Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Mikiko Hatchaso

when i was 2 years old
          Ako ay si Mikiko Hachaso at ito ang akin talambuhay.Ipinanganak ako noong Nobyembre,05.1994 sa bansang Hapon.Tumira kami ng halos anim na taon simula ng ako'y ipinanganak,pagkatapos noon umuwi kami ng aking ina sa Pilipinas upang makadalaw  sa aming pamilya at kami ay nagpabalik-balik .Nang ako'y mag pipitong taon ay iniuwi na ako ng tuluyan ng aking ina para dito na ituloy ang aking pag-aaral .Sa simula ako'y naninibago sa klima at sa taong nakapaligid sa akin ,ngunit ng ako'y nasanay ay hindi na ko nanibago.Hindi doon natapos ang ugnayan namin sa aking pamilya sa Japan,dahil ako ay napamahal narin sa lola at lolo ay nahirapan akong mamuhay ng wala sila ,lalo na ang aking ama.           Noong ako' pitong taon ay nakaranas akong sumali sa isang tulaan ngunit sa kinasamaang  palad ay hindi ako nanalo.Mahilig din akong makipaglaro sa lalaki nung ako'y bata pa ,hilig ko ang larong sikyo o kung tawagin ay Black 123 ,batuhang bola ,bayblade ,yoyo at syempre ang pag bibike.Minsan nga'y naisipan ng pamilya namin na mag out of town ,halos dalawang linggo kaming nagliwaliw ,kami ay nagpunta sa Baguio,La union,Batangas,Pangasinan,Tagaytay,naging napakasaya ng mga araw na iyon ,naroon na kami'y magswimming sa Beach,mangabayo ,magpunta sa ibat ibang lugar .Marami na akong napuntahang lugar sa pilipinas kaya't nasanay narin ako sa pagbibiyahe.
Ms.Valentine
          Naranasan ko rin nang ako'y elementary ay laging panlaban sa mga contest,nariyan ang ilaban akong Ms.Valentines,sumali sa Three Little Kittens,Muse at iba pa.Kaya't minsan kahit akoy bata pa ay alam kong may inggit ang aking kaklase kumbaga ako ang Apple of Ones Eyes.Lagi rin akong kinukuhang Reyna Elena sa amin.Marami akong karanasan nang ako'y bata pa ngunit ang iba ay hindi ko na maalala pa.nang ako'y Grade 6 ay naisipan ko ding ma Taekwondo .
with my Daddy
          Nang ako;y pumasok sa sekondarya ay naging masaya ako,panibagong kaibigan,panibagong kaklase  at pagiging dalaga.Sumali ako sa DRUM AND LYRE BAND,doon ay marami akong nakilala ,mga 2nd yr..3rd yr,at 4th yr,sobrang naging close ako sa mga 4-A pero graduate na sila.Nang ako'y mag 2nd yr ay naging 2-C ako ,dito ko nakilala ang tatlo kong best friend ,si Karla,Melanie at Pamela,sobra saya namin wala kaming ginawa kundi  tumawa ng tumawa pag kami ang magkakasama,dito ko rin nakilala ang lalaking nagmahal sa akin ng tapat  ngunit binalewala ko lang sya,nakalulungkot man isipin .......sumali rin kami sa FLORANTE AT LAURA ,ako ay isang mang-aawit kung saan marami kaming nakuhang gantimpala.Nang mag 3rd yr ako ay mas naging makabuluhan sa akin ang High School ,nagkaroon kami ng bagong kaklase at mas naging malapit kami ng aming kaklase ,lagi kaming nagtutulungan,gayon din ng ako'y matutong mag-gitara ,sobrang saya ko dahil sa paghihirap kong matutong maggitara ay gumaling din ako,sa ngayon ay nakatutugtog na ko .
.Sumali rin ako sa MUTYA NG DOLORES kung saan nanalo akong Ms.photogenic at 1st runner up.Nakatulong sa akin ng husay ang pagsali ko roon dahil mas nakilala ako ng tao sa amin ,hindi naman kasi ako palalabas ng bahay ,mas marami parin akong kaibigan sa school .Dito ko rin naranasan sa unang pagkakataon ang sumali sa J.S Prom,napakasaya dahil isinayaw ako na aking mga kaklaseng lalaki at ang iba nga'y hindi ko kilala ,ganoon pala pag hindi mo namamalayan ang oras ay parang napakabilis ng mga sandali,ahhh.....siguro sa sobrang kasiyahan .Kaya't ng magtapos kami ng 3rd yr ay nagkayayaang mag swimming ,kahit ang iba ay hindi sumama ay naging masaya ang buong mag hapon namin,
           Nang tumuntong na ako nang 4th yr ay mas maraming nagyari,naging mas maunawain ako at naging malawak ang isipan.Isinagawa muli ang taon-taon ng ginagawa sa Dizon...ang Fil Demo,natalo kami ng 1st at 2nd yr ngunit ayos lang iyon....Sumayaw din kami sa S.M San Pablo dahil bagong bukas ito....Sumali sa Cheerdance Competition ..haisst dugo at pawis ang ibinigay naming effort don pero hindi parin kami nag-champion ,pang 3rd lang kami.Sumali rin kami sa English Day kung saan sumayaw kami ng High School Musical kung saan pang 2nd lang kami .magaling ang pag sayaw namin doon.
           Sa araw-araw na lumilipas ay lalong nagiging malalim ang samahan ng aking mga kaklase .Ang pag-gigitara pag walang klase ,paglalaro ng UNO at syempre di mawawala ang tawanan namin ng mga kaibigan kong sina:Nineth ,Karla,Zylene,Beth,Bel,Rich,Ailene.A pagdating sa hapon pupunta sa OVAL at doon magpapahinga.At hindi ko rin makakalimutan sa aking buhay ang pag bisita ng aking ama dito bago mag pasko,nagpunta kami sa Bulacan upang bumisita at bumalik din sa Manila.Pumasyal sa Star City kung saan hinding-hindi ko makakalimutan ang rides na Surf dance an Star Flyer,habang nakasakay kami don ay hindi ko matatawaran ang sayang nakita ko sa mga mata nya.Nag shopping sa Rustans ,kumain sa mamahaling Restaurant tula ng EMERALD kung saan mahigit 10,000 ang nakain namin,ngunit sulit naman dahil napaka sarap ng pagkain .Naging napakasaya ko ng mga araw na iyon ngunit ang kapalit nito'y kalungkutan dahil babalik na sya sa Japan ....ang good news ay babalik din siya sa May .
          Nang pumasok ang 2011 at ipinalangin kong maging maganda ang taon namin,maayos naman ang buhay namin ngunit sa aking sarili ay hindi miminsang nagkaroon ako ng problema pero ngayo'y bnaayos ko na ito.Inaabala ko ang aking sarili sa paglalaro ng Badminton ,pagbabasa ng mga libro at pocketbooks ,at syempre pag gigitara .Dumating muli ang J.S Prom Batch 2010-2011 ,ang theme ng J.S namin ay Hawaiian ,masaya ang gabi dahil magkakasama na naman kami .Kaya ngayon ako'y kakandidato akong makapagtapos  sa Dizon High sa ika-apat na taon.Sanay magustuhan ninyo ang aking talambuhay.                              

Sunday, February 20, 2011

Ang Makulay Kong Mundo (ang talambuhay ni Pauline Joie L. Ramirez)

   Mula  sa Brgy. Sta. Veronica, San Pablo City , sa lalawigan ng Laguna. Sa lugar na ito ako nagkaisip at namulat sa takbo ng mundo. Sa aking murang edad at sa gabay ng aking mga magulang, dito ko natagpuan  kung paano mabuhay nang malaya  at may takot sa Diyos.
Ako,si  lolo at ang aking mga pinsan sa dati naming bahay.

At sa pagdaan ng mga araw, kasabay kong lumaki ang aking mga pinsan kung saan malaya kaming nakakapaglaro, magkakasabay kumain, nagtatampisaw sa ulan, nagtatawanan at nagkukwentuhan.
Nang kami ay naligo sa ilog.
   
At sa panahong kami’y nagkakayayaan  na maligo sa malapit na ilog, dadalhin lang naming mga tuwalya, pamalit na damit at pagkain. Natatandaan ko pa dati, nililinis muna namin ang ilog bago kami maligo at maglaro. Napakasaya at kay sarap balikan ng mga panahong iyon sapagkat sa ano mang oras na gustuhin naming na magkasama-sama ay maaari. Lahat ay may oras para sa aming pagsasama.
  
 Ako ay binyagan noong Disyembre 1995.


   Nang ikasal ang aking mga magulang, ako ay nasa tiyan na nang aking ina. At noong  mayo 17, 1995, iniluwal niya ako. At pinangalanang Pauline Joie Lavapie Ramirez.  At simula ng araw na iyon, naramdaman ko na kung gaano nila ako kamahal. Ang aking ama ay si Elmer Ramirez, siya ay simpleng  tao lamang, walang bisyo , isang  barbero, mahaba ang kanyang pasensya at parati niya akong pinapangaralan. At ang aking ina ay si Chona Ramirez, masayahin siya at parati siyang nagpapatawa sa amin. Walang sandali na hindi kami tatawa kapag siya ang aming kasama. Kahit na ako ay nag-iisang anak lamang mapalad pa rin ako dahil ibinigay sila sa akin bilang mga magulang ko. 
Ito ang aking pamilya.

Tuwing linggo, pumupunta kami sa bahay sambahan at sama-sama kaming nagpupuri at naglilingkod sa Panginoon. Tuwing sasapit ang bagong taon, umuuwi kami sa San Juan Batangas, kung saan naroroon ang pamilya ang aking ama. Nadaratnan namin doon ang aming mga kamag-anak na minsan sa isang taon lang naming nakakasama at makapiling. Kaya’t hindi namin sinasayang ang bawat sandali sa paglagi namin sa lugar ng aming mga kamag-anak sa Batangas. Inuubos ko ang aking oras sa pakikipaglaro sa aking mga pinsan , marami kaming nilalaro doon na hindi ko pa nalalaro o nararanasan dito sa San Pablo. Tulad ng pagsasaranggola sa gitna ng palayan, makipaghabulan , ang maligo sa irigasyon, at ang makipagsabayang kumain ng iba’t-ibang prutas na doon ko lamang natitikman.
 Noong ako ay makapagtapos sa Kinder.
   
   Sa Bagong Bayan Daycare Center ako nagsimulang mag-aral. Doon ako nagsimulang makipagkaibigan  sa mga batang noon ko lamang nakita at nakasalamuha. At ng ako ay nakatungtong na sa ika-unang baitang ng elementarya, ako ay sa Central School ipinasok ng aking mga magulang upang doon ko ipagpatuloy ang aking  nasimulang pag-aaral. Natatandaan ko pa dati, napakaiyakin ko sa tuwing iniiwan ako ng aking ina habang ako'y nag-aaral upang bumalik sa bahay at imisin ang naiwan kong mga kalat. Mapalingat lamang siya sa aking paningin, nangingilid na agad ang aking luha dahil pakiramdam ko ay iiwan na niya ako at hindi na muling babalik pa.Takot kasi ako sa aming guro namin, namamalo siya! kaya ayoko sa kanya.

   
Noong ako ay makapagtapos ng elementarya.
   Ng sumapit ako sa ikatatlong baitang, inilipat ako sa Bagong Bayan Elementary School. Bagong mundo, bagong kaibigan, bagong mga kaklase. Bagama't ako'y bagong lipat lamang, nakahanap agad ako nang aking kaibigan. Si Jennifer Alcantara. Mas matangkad siya sa akin, mabait, tahimik at masayahin. Kaya nga nagkapalagayan agad kami nang loob. Hanggang sa dumating ang panahon na kami ay nasa ika-anim ma baitang na. Sa paglipas ng mga araw, kami pa din ang mag "best friend". Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Sayang nga lamang, hindi na kami nagkakasama ngayon dahil magkaiba kami ng eskwelahang pinasukan ngayong sekondarya.

   Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool ako pumasok. Sa unang taon ng pagpasok ko sa sekondarya, natagpuan ko dito ang mga bagong kaibigan, kaklase at kabarkada. Sila ay sina Melanie, Sushmita at Rissa. Sa pagdaan ng mga araw, lubos akong nagagalak at hindi ko malilimutan ang mga sandaling kasama ko sila. Magandang makisama ang aking mga kaibigan. Mas lalo na noong kami ay naglangoy sa Bunot Lake. Masaya ang mga sandaling iyon at ng magkaroon ng pagkakataon na makapunta sa bahay ni Melanie, walang humpay ang kwentuhan, tawanan at asaran.
   Sabi nila ang isa sa mahirap na antas ng sekondarya ay nasa ikatlong taon. Bagama’t naroon ang hirap, doon ko naman naranasan ang makisalamuha at sumali sa iba’t-ibang gawain sa eskwelahan. Nadama ko kung ano ang pakiramdam ng isang masayang mag-aaral.
  
   At sa mga taon ko sa eskwelahan, marami akong natutunan, hindi lamang sa aralin sa eskwela kundi kung paano ako natutong makibagay sa kapwa ko. Maraming kakilala ngunit , syempre iba pa rin kapag may tinatawag kang kaibigan, isang tunay na kaibigan. Siya ay si Leslie. Naging maayos at masaya ang aming pagsasamahan. At naging matalik ko siyang kaibigan. Ngunit may mga pagkakataon na sinubukan din ang tibay ng aming pagkakaibigan , halos di ko inaasahan ngunit sa bandang huli nagkaunawaan din at ibinalik ang dati naming samahan .

J.S Prom noong kami ay 3rd year.

  Sa aming paaralan, nagustuhan  ko ang  shindig. Kung saan madaming sumasaling estudyante, nagkakantahan at sumasayaw, masaya iyon para sa akin. At ang isa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari ay ang J.S Prom. Kakaibang karanasan iyon. Medyo nakakahiya pero masaya. Sa tuwing may magsasayaw sa aking lalaki ay naaalala ko ang pangako ng lalaking nag-patibok ng aking puso na si Julius Pacia. At kapag nagkaroon muli ng J.S. promenade ako ay kanyang isasayaw ngunit hindi na iyon nangyari dahil kami ay naghiwalay na sapagkat may mga bagay na hindi namin napagkasunduan . Ngayon kailangan na siyang limutin dahil may mga bagay na dapat unahin. Ngunit nahirapan akong kalimutan siya.
   Pero dumating sa buhay ko si Earl Van Felix Exconde , siya ang palagi kong kasama , kilala na siya nang aking mga magulang , palagi siyang nasa aming bahay at kung minsan ay ginagabi siya ng  sa uwi syempre kahit palagay na ang loob naming sa isa’t-isa at tangap siya ng mga magulang ko , nandoon pa din ang limitasyon sa bawat ginagawa namin para hindi mauwi sa hindi inaasahang bagay na posible naming pagsisihan balang araw.

  Masarap na mahirap ang buhay estudyante, salamat sa lahat ng aking mga naging guro, sila na nagtiyagang turuan ang katulad ko. Madaming  bagay akong natutunan sa kanila at sa ngayon, nalalapit na ang pagtatapos ng aking pag-aaral sa sekondarya. 


  Sa loob ng madaming taon ng aking pag-aaral masasabi kong mapalad ako dahil binigyan ako nang Panginoon nang pagkakataong matuto sa tulong na aking mga guro, dahil sa kanilang pagtitiyaga, marami akong naunawaan sa mga nagdaang panahon.
Si Rich,Cath, Ako, Badeth at Miki.


   Masaya ako at nakasama ko ang aking mga kaklase at kaibigan sa kabila ng mga kalokohan, kulitan ay magkakasama  pa rin kaming nagsusumikap na matuto. 
Katribo`17 :)


   At nagkaroon ako ng mga matalik na kaibigan sa mga panahong ako ay nasa ika-apat na antas ng sekondarya. Pinangalanan namin ang grupo namin ng "tribo" masasabi ko na ang lahat ng mga natutunan ko ay hindi mawawalan ng kabuluhan dahil gagamitin ko ito sa pagtungtong ko sa panibagong yugto ng aking pag-aaral.
Ito ako ngayon.
   
   At ngayon dahil sa pag-hihirap ng aking mga magulang ako ay makakapagtapos na ng  pag-aaral sa sekondarya. Gagawin ko ang lahat matupad lang ang aking mga pangarap. Hindi ko sasayangin ang mga ginawang paghihirap ng aking mga magulang. Gusto kong iahon sa hirap ang aming pamilya at magkaroon ng sariling bahay. Sisikapin kong  makahanap ng magandang trabaho upang  maging maganda at maunlad  ang aking pamilya.
Ako at si Badeth.
    
  Ito ang aking talambuhay na masasabi ko at ipinagmamalaki kong mapalad at masaya ako anuman ang aking mga naranasan dahil ito ay biyaya ng Panginoon sa aking buhay .






   Maraming SALAMAT po :)

Talambuhay ni Jenniffer V. Timbas




Taong  1994 sika-25 ng Agosto sa Bryg. ng Sto. Angel, lungsod ng San Pablo, lalawigan ng Laguna ako isinilang.Sa bunga ng pagmamahalan nina Wilfredo at Josie Timbas. Mayroon akong nakatatandang kapatid na nagngangalang Jeffrey. Dalawa lamang kaming magkapatid.

Ako ito at ang kuya ko noong 3mos. na ako.
 Sapol sa pagkabata ay dito na ako nagkaisip sa bayan ng San Pablo. Tandang-tanda ko pa noon na tuwang-tuwa raw ako sa  tuwing malalaman ko na magpapadala ng pera si Papa. Ang akin nga pa lang papa ay nasa Guam. Laging pala isipapan sa akin na ano ba talaga ang itsura ng papa ko ? Marami kasing nagsasabi na “zerox copy” raw kaming dalawa. Sa pamamagitan lang naman ng tiyahin ko kami nagkakausap, dahil ang ginagawa naming noon nina Mama ay makikitawag kami sa telepono upang maka-uasp lamang siya . Iisa lang naman lagi ang tanong ko sa kaniya pag kami ay nag-uusap, “ Pa kalian ka ba uuwi ditto sa Pilipinas ? miss na kasi kita .”


 Inggit na inggit ako sa mga kaklasi ko na sinusundo nang kani kanilang mga tatay. Minsan kasi hindi na nagagawang magsundo pa ni Mama dahil sa trabaho niya. Ugali na niyang ihabilin ako sa mga tiyahin ko.  Ayos lang naman sa akin iyon dahil alam ko na para rin sa amin ni kuya yung ipinagtatrabaho niyana iyon. Hindi kasi regular minsan kung magpadala si Papa.

Walong buwan pa lamang raw ako dito.
Naging inspirasyon sa akin ang aking mga magulang ko. Nagbunga naman ito ng magkaroon ako ng sabit noong ako ay kinder. Pangako kasi noon sa akin ni Mama na kapag may sabit raw ako, ay kakain kami sa Jollibee. Napaka babaw pa talaga noon ng kaligayan ko.
 Graduation ko ito noong kinder kasama si mama .



Nang grumaduate ako sa Day Care , takot na takot akong pumasok noon ng Grade 1. Paano naman kasi ay wala pa akong kaibigan roon. Likas sa akin ang pagiging mahiyain. Pero ng malaman ko na magiging kaklasi ko ang aking mga pinsan, ay napawi rin ang mga iyon.
Naalala ko nga pala na madalas akong mapagalitan noon ng guro ko. Lagi na lang kasing ako ang napapagbintangan na maingay kahit hindi naman.
Laking tuwa ko naman ng mag-iikalawangbaitang na ako sa elementary. Bagong pakikipag sapalaran na naman. Ngunit nang taon rin na ito lumipat ang pinasan ko patungong Isabela para doon niya ituloy ang kanyang pag-aaral, at doon na manirahan. Nalungkot ako ng sobra noon pero panandalian lamang sapagkat naisip ko na kailangan ko rin namang matutunan na makihalubilo at makipagkaibigan sa iba. Sa baitang rin na ito akong muli na angina achiever.
class picture namin noong gr.2
Nakaratinng ako sa ikatlong baitang. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, ay dito ako nagsimulang maging pansinin. Natatawa ako sa sarili ko sa tuwing maiisip ko yung mga kasalungat ko ng kasarian na sumusulat sa akin. Kadalasan kasi sa mga ito ay puro mga kaklasi ko. Dito rin ako unang nagkaumpisa na magkaroon ng “admirer” ba? O “stalker” na matatawag. Hindi ko ‘nun lubos maisip na mangbabanat ang kapatid ko kapag nalaman niya na may umaaligid sa akin na lalaki. Samantalang noong maliit pa kami ay tandang-tanda ko pa na kami ang ang madalas na nagbabanatan. Ako rin naman sa huli ang umiiyak.
Labis akong nadismaya sa sarili ko nang magkaroon ako ng tagiyawat o “pimples” noong ako ay nasa ika-anim ng baitang. Nagsisisi nga ako dahil sa sarili ko na rin itong kapabayaan.tunay lamang na nakaka-inggit ang mga kaklasi kong makikinis ang mga mukha. Dito ako natutong mag-ayos sa sarili ko.
graduation ko noong elementary
Sa paaralan ng Sto. Angel ako nakapag tapos ng pag-aaral sa elementary.Maraming masasayang pangyayari ang hindi ko rito malilimutan. Lalu na ‘yung mga guro at kaklasi ko na nagging parte ng mundo ko.
Noon gulong-gulo ang utak ko kung paano o saan ako mag-aaral ng hayskul. Gusto ko rin kasi na gaya ng kuya na sa LCCS nagtapos ng pag-aaral. Pero sabi nga ni Mama baka hindi namin kayanin pagdating sa pinansyal, dahil sa magkokolehiyo na rin ang kapatid ko. Kaya na lang napag desisyunan nila na sa Annex V na lang raw ako pumasok na ngayon ay “Dizon High”.
Pinatatag ko na lang ang sarili ko na hindi naman ako habang buahy na mag-iisa . Alam ko na may makikilala rin akong magiging kaibigan. At ngayon hindi ko lang sila kaibigan kun’di isang matalik na kaibigan.
Masaya ang mga nagging karanasan ko nitong 1st year . ditto ako natutong idevelop ang sarili ko. Hindi ko noon lubos maisip na mapipili ni G. Lacsam ang ginawang tula na isa sa pinakamaganda. Binigyan niya kami ng kanya kanyang pamagat at ang akin ay pinamagatang Anino.
Ilan kami ng mga kapwa ko mag-aaral na nagsipaglaban sa buong 1st year level lamang. Ngunit ako’y isa sa ga hind pinalad na manalo. Para sa akin ay ayos lamang iyon ang mahalaga ay itong nagging karanasan ko.
si tricia , ako at si loren, tunay na barkada.


Tumuntong ako ng 2nd year sa ilalim ni Gng. Sotalbo. Ito na marahil ang pinaka masyang sa “high school life” ko. Dito kasi nabuo ang samahan ng barkada naming tinatawag na bhabybhest.
Hindi ko rin malilimutan noong buwan ng wika, tandang-tanda ko dahil kaarawan ko noon ng lumaban kami sa paggawa ng tula at sanaysay sa library ng Dizon High. Puro 1st year ang kalaban namin noon. Blankong-blangko nga noon ang isip ko sa paggawa ng tula. Kaya na lang hindi ko iyon natapos.


IV year na ako dito.
Ayokong ayoko sanang gumawa ng sanaay ngunit ng tatakas na ako ay siya naming pagdating ni Gng. Ilagan. Wala na lang sa loob ko na tabihan si Angelica Tayobong na panlaban naming sa paggawa ng sanaysay. Sa madaling salita ay natapos naman ako  sa paggagawa ng sanaysay. Naaalala ko pa noon iyong sinabi ni Gng. Ilagan na mas maigi pa raw ang maikling sanaysay na may laman kaysa roon sa ubod ng haba ngunit wala namang diwa.
Sa hind inaasahang pangyayari ay natamo ko ang pagiging 2nd placer ko sa paggagawa ng sanaysay. Hind ko ‘nun maintindihan ang sarili ko, pero masayang masaya ako. Pati halos lahat naman nang kasama kong lumaban ay humakot rin ng parangal.
Marami akong naranasan nitong 3rd year na ako. Dito ako nagsimulang magloko sa pag-aaral ko.  Natuto akong uminom at mag cut ng klasi ko. Laking dagok rin naman sa akin ng mga ginawa ko na nagging sanhi ng pagbaba ng mga marka ko. 
mga churchmate ko
1st SPYA Banquet Night noong Dec. 30, ito ay ginanap sa church namin.


Dismayado ako lalu na ang mga magulang ko. Saka ko na lang naisip na maling-mali talaga ang ginawa ko. Inis na inis ako, dahil wala akong sapat na rason para gawin ang mga bagay na iyon. Nito ko lang naisip na ang edukasyon o kaalaman ay tunay na kayaman. 

ako at ang BFF ko na si Chame

Sa tuwing kami ay walang klase, ugali namin ang tumambay sa tinawag namin na " bente ".
Kuha ko ito pagkatapos ng JS namin.
Lagi kong isinasaisip ang sinasabi sa akin ng kuya ko, na kung ano mang ginawa ko mabuti man ito o masama ay siya ring babalik sa akin.
Basta masaya na rin ako sa seksyon na ito dahil hindi ko naramdaman na kailanman ay hindi ako naging iba sa kanila.
Ang mahalaga lang sa akin ay makapagtapos ako ng pag-aaral ko upang maisakatuparan ko ang aking mga pangarap sa buhay na tanging sa mga magulang ko lamang maiaalay.

Ang Talambuhay ni Allen Patrick A. Alfaro

Talambuhay ko.



Pinanganak ako noong Nobyembre 16 1995 ang aking ina ay si Rowena Alfaro at ang aking ama ay si Ricardo Alfaro. May kapatid din akong dalawa si April Alfaro ang aking kuya at ang aking ate na si Gwenn Rose Alfaro.Tatlo lang kaming magkakapatid at ako ang bunso.Ang panganay sa amin ay si kuya sinundan ito ni ate. Noong sanggol padaw ako ay lagi daw akong kinagigiliwan nq aking mga kamag-anak. Dahil daw ang cute cute ko. Madami akong mga pinsan sa mga kamaganak ni papa at ni mama. Pero mas naging close ako sa partido ng aking ina.marahil dahil sila ang kinagisnan ko noong madadalawang taon palang ako, di inaasahang napatay si papa sa isang aksidente. Nang dahil doon pinilit kong magsumikap para sa aking pamilya. Dahil sa insidente napilitan kaming lumipat ng bahay kapiling ang aking lola,at doon na ako nagkaisip.
Noong grumaduate ako ng grade 6.



Noong naging limang taong gulang na ako dumalaw ang aking tiya na si Marissa Casaysayan kasama ang kanyang anak na si Ron ron. nagbakasyon sila sa amin, at nangamusta sa mga kamag anak namin. At nang pabalik na sila sa Mindoro isinama na nila ako don para don mag-aral. Naging masaya ang buhay ko don kahit malayo ako sa tunay kong kapatid at ina. Di ko naramdaman na iba ako sa kanila, itinuring nila akong tunay na anak. Marami akong naranasan doon at natutunan. Hindi na ako nakapagkinder dahil nakapasa agad ako sa exam para maging grade 1. Marami akong naging kaibigan doon, pero ang pinaka kaclose ko ay sina Zedra, Monique, at Princess.Naging mabait sila Sakin kahit hindi ako taga doon.




Ang pinakamasaya kong naranasan sa mindoro ay nung nagpunta kamesa isang isla kung saan makikita ang tunay na kagandahan na Mindoro. Nanatili kami don ng isangaraw subalit tunay na kakaibang pakiramdam ang naranasan ko doon, maraming dayuhan,kakaibang hayop tulad ng agila at ibat-ibang kulay ng isda.kung ako ang masusunod gusto kong bumalik sa lugar na yon.
Ako,pinsan ko at tiyo at tiya ko nung pumunta kaming isla.




Pagkatapos ko mag grade 1 bumalik na ako sa San Pablo City upang dito ipagpatuloy ang aking pag aaral. Pumasok ako sa San Pablo Central School ng elementarya. Bagong pakikisama na naman ang ginawa ko. Bagong school, Bagong teacher, bagong kaklase lahat bago kaya kailangang mag adjust. Tuwing bakasyon kasama ang mga pinsan ko,naglalaro kami ng mga larong pinoy tulad ng basket ball, piko, sapak, jollen, jackstone atbp. Kadalasan kami ay pumupunta sa ilog upang maligo kapag mainit, kapag umuulan naliligo kami at nangunguha ng mangga.
Ako at si apple




Nagpapalipad din ako ng saranggola na natutunan ko sa aking nakatatandang kapatid na lalake. Masaya ang buhay namin kahit ito ay simple lang,pero tuladng ibang pamilya nakakaranas din kami ng paghihirap at problema. Pero di kame sumuko nagtulungan kame at sa awa ng panginoong Diyos ay nakaraos din.  
Ako(15 yrs.old)



Nag-aral ako ng sekondarya sa Annex V na kilala na ngayon bilang Col. Lauro D. Dizon Memorial High School. Marami akong naranasan, nakilala at naging kaibigan. Tunay na kagalakan sa akin ang makapag-aral sa isang paaralan na kahit pang mahirap lang, pinipilit naman nilang mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga estudyante. Napabilang din ako sa mga patimpalak tuladng Lakan at Mutya ngunit hindi ko ito tinuloy dahil akoy nahihiya, sumasali din ako sa mga activities tulad ng Dance Competition at Battle of the Band. At sa awa ng Diyos ako ngayon ay graduating student ng aming paaralan, nawa ay makatapos din ako ng pag aaral tulad ng dalawa kong kapatid na sa ngayon ay pinagpapala sa kanilang mga napiling propesyon sa buhay.