Sunday, February 20, 2011

Talambuhay ni Jenniffer V. Timbas




Taong  1994 sika-25 ng Agosto sa Bryg. ng Sto. Angel, lungsod ng San Pablo, lalawigan ng Laguna ako isinilang.Sa bunga ng pagmamahalan nina Wilfredo at Josie Timbas. Mayroon akong nakatatandang kapatid na nagngangalang Jeffrey. Dalawa lamang kaming magkapatid.

Ako ito at ang kuya ko noong 3mos. na ako.
 Sapol sa pagkabata ay dito na ako nagkaisip sa bayan ng San Pablo. Tandang-tanda ko pa noon na tuwang-tuwa raw ako sa  tuwing malalaman ko na magpapadala ng pera si Papa. Ang akin nga pa lang papa ay nasa Guam. Laging pala isipapan sa akin na ano ba talaga ang itsura ng papa ko ? Marami kasing nagsasabi na “zerox copy” raw kaming dalawa. Sa pamamagitan lang naman ng tiyahin ko kami nagkakausap, dahil ang ginagawa naming noon nina Mama ay makikitawag kami sa telepono upang maka-uasp lamang siya . Iisa lang naman lagi ang tanong ko sa kaniya pag kami ay nag-uusap, “ Pa kalian ka ba uuwi ditto sa Pilipinas ? miss na kasi kita .”


 Inggit na inggit ako sa mga kaklasi ko na sinusundo nang kani kanilang mga tatay. Minsan kasi hindi na nagagawang magsundo pa ni Mama dahil sa trabaho niya. Ugali na niyang ihabilin ako sa mga tiyahin ko.  Ayos lang naman sa akin iyon dahil alam ko na para rin sa amin ni kuya yung ipinagtatrabaho niyana iyon. Hindi kasi regular minsan kung magpadala si Papa.

Walong buwan pa lamang raw ako dito.
Naging inspirasyon sa akin ang aking mga magulang ko. Nagbunga naman ito ng magkaroon ako ng sabit noong ako ay kinder. Pangako kasi noon sa akin ni Mama na kapag may sabit raw ako, ay kakain kami sa Jollibee. Napaka babaw pa talaga noon ng kaligayan ko.
 Graduation ko ito noong kinder kasama si mama .



Nang grumaduate ako sa Day Care , takot na takot akong pumasok noon ng Grade 1. Paano naman kasi ay wala pa akong kaibigan roon. Likas sa akin ang pagiging mahiyain. Pero ng malaman ko na magiging kaklasi ko ang aking mga pinsan, ay napawi rin ang mga iyon.
Naalala ko nga pala na madalas akong mapagalitan noon ng guro ko. Lagi na lang kasing ako ang napapagbintangan na maingay kahit hindi naman.
Laking tuwa ko naman ng mag-iikalawangbaitang na ako sa elementary. Bagong pakikipag sapalaran na naman. Ngunit nang taon rin na ito lumipat ang pinasan ko patungong Isabela para doon niya ituloy ang kanyang pag-aaral, at doon na manirahan. Nalungkot ako ng sobra noon pero panandalian lamang sapagkat naisip ko na kailangan ko rin namang matutunan na makihalubilo at makipagkaibigan sa iba. Sa baitang rin na ito akong muli na angina achiever.
class picture namin noong gr.2
Nakaratinng ako sa ikatlong baitang. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, ay dito ako nagsimulang maging pansinin. Natatawa ako sa sarili ko sa tuwing maiisip ko yung mga kasalungat ko ng kasarian na sumusulat sa akin. Kadalasan kasi sa mga ito ay puro mga kaklasi ko. Dito rin ako unang nagkaumpisa na magkaroon ng “admirer” ba? O “stalker” na matatawag. Hindi ko ‘nun lubos maisip na mangbabanat ang kapatid ko kapag nalaman niya na may umaaligid sa akin na lalaki. Samantalang noong maliit pa kami ay tandang-tanda ko pa na kami ang ang madalas na nagbabanatan. Ako rin naman sa huli ang umiiyak.
Labis akong nadismaya sa sarili ko nang magkaroon ako ng tagiyawat o “pimples” noong ako ay nasa ika-anim ng baitang. Nagsisisi nga ako dahil sa sarili ko na rin itong kapabayaan.tunay lamang na nakaka-inggit ang mga kaklasi kong makikinis ang mga mukha. Dito ako natutong mag-ayos sa sarili ko.
graduation ko noong elementary
Sa paaralan ng Sto. Angel ako nakapag tapos ng pag-aaral sa elementary.Maraming masasayang pangyayari ang hindi ko rito malilimutan. Lalu na ‘yung mga guro at kaklasi ko na nagging parte ng mundo ko.
Noon gulong-gulo ang utak ko kung paano o saan ako mag-aaral ng hayskul. Gusto ko rin kasi na gaya ng kuya na sa LCCS nagtapos ng pag-aaral. Pero sabi nga ni Mama baka hindi namin kayanin pagdating sa pinansyal, dahil sa magkokolehiyo na rin ang kapatid ko. Kaya na lang napag desisyunan nila na sa Annex V na lang raw ako pumasok na ngayon ay “Dizon High”.
Pinatatag ko na lang ang sarili ko na hindi naman ako habang buahy na mag-iisa . Alam ko na may makikilala rin akong magiging kaibigan. At ngayon hindi ko lang sila kaibigan kun’di isang matalik na kaibigan.
Masaya ang mga nagging karanasan ko nitong 1st year . ditto ako natutong idevelop ang sarili ko. Hindi ko noon lubos maisip na mapipili ni G. Lacsam ang ginawang tula na isa sa pinakamaganda. Binigyan niya kami ng kanya kanyang pamagat at ang akin ay pinamagatang Anino.
Ilan kami ng mga kapwa ko mag-aaral na nagsipaglaban sa buong 1st year level lamang. Ngunit ako’y isa sa ga hind pinalad na manalo. Para sa akin ay ayos lamang iyon ang mahalaga ay itong nagging karanasan ko.
si tricia , ako at si loren, tunay na barkada.


Tumuntong ako ng 2nd year sa ilalim ni Gng. Sotalbo. Ito na marahil ang pinaka masyang sa “high school life” ko. Dito kasi nabuo ang samahan ng barkada naming tinatawag na bhabybhest.
Hindi ko rin malilimutan noong buwan ng wika, tandang-tanda ko dahil kaarawan ko noon ng lumaban kami sa paggawa ng tula at sanaysay sa library ng Dizon High. Puro 1st year ang kalaban namin noon. Blankong-blangko nga noon ang isip ko sa paggawa ng tula. Kaya na lang hindi ko iyon natapos.


IV year na ako dito.
Ayokong ayoko sanang gumawa ng sanaay ngunit ng tatakas na ako ay siya naming pagdating ni Gng. Ilagan. Wala na lang sa loob ko na tabihan si Angelica Tayobong na panlaban naming sa paggawa ng sanaysay. Sa madaling salita ay natapos naman ako  sa paggagawa ng sanaysay. Naaalala ko pa noon iyong sinabi ni Gng. Ilagan na mas maigi pa raw ang maikling sanaysay na may laman kaysa roon sa ubod ng haba ngunit wala namang diwa.
Sa hind inaasahang pangyayari ay natamo ko ang pagiging 2nd placer ko sa paggagawa ng sanaysay. Hind ko ‘nun maintindihan ang sarili ko, pero masayang masaya ako. Pati halos lahat naman nang kasama kong lumaban ay humakot rin ng parangal.
Marami akong naranasan nitong 3rd year na ako. Dito ako nagsimulang magloko sa pag-aaral ko.  Natuto akong uminom at mag cut ng klasi ko. Laking dagok rin naman sa akin ng mga ginawa ko na nagging sanhi ng pagbaba ng mga marka ko. 
mga churchmate ko
1st SPYA Banquet Night noong Dec. 30, ito ay ginanap sa church namin.


Dismayado ako lalu na ang mga magulang ko. Saka ko na lang naisip na maling-mali talaga ang ginawa ko. Inis na inis ako, dahil wala akong sapat na rason para gawin ang mga bagay na iyon. Nito ko lang naisip na ang edukasyon o kaalaman ay tunay na kayaman. 

ako at ang BFF ko na si Chame

Sa tuwing kami ay walang klase, ugali namin ang tumambay sa tinawag namin na " bente ".
Kuha ko ito pagkatapos ng JS namin.
Lagi kong isinasaisip ang sinasabi sa akin ng kuya ko, na kung ano mang ginawa ko mabuti man ito o masama ay siya ring babalik sa akin.
Basta masaya na rin ako sa seksyon na ito dahil hindi ko naramdaman na kailanman ay hindi ako naging iba sa kanila.
Ang mahalaga lang sa akin ay makapagtapos ako ng pag-aaral ko upang maisakatuparan ko ang aking mga pangarap sa buhay na tanging sa mga magulang ko lamang maiaalay.

No comments:

Post a Comment