![]() |
Nang kami ay naligo sa ilog. |
At sa panahong kami’y nagkakayayaan na maligo sa malapit na ilog, dadalhin lang naming mga tuwalya, pamalit na damit at pagkain. Natatandaan ko pa dati, nililinis muna namin ang ilog bago kami maligo at maglaro. Napakasaya at kay sarap balikan ng mga panahong iyon sapagkat sa ano mang oras na gustuhin naming na magkasama-sama ay maaari. Lahat ay may oras para sa aming pagsasama.
![]() |
Ako ay binyagan noong Disyembre 1995. |
Nang ikasal ang aking mga magulang, ako ay nasa tiyan na nang aking ina. At noong mayo 17, 1995, iniluwal niya ako. At pinangalanang Pauline Joie Lavapie Ramirez. At simula ng araw na iyon, naramdaman ko na kung gaano nila ako kamahal. Ang aking ama ay si Elmer Ramirez, siya ay simpleng tao lamang, walang bisyo , isang barbero, mahaba ang kanyang pasensya at parati niya akong pinapangaralan. At ang aking ina ay si Chona Ramirez, masayahin siya at parati siyang nagpapatawa sa amin. Walang sandali na hindi kami tatawa kapag siya ang aming kasama. Kahit na ako ay nag-iisang anak lamang mapalad pa rin ako dahil ibinigay sila sa akin bilang mga magulang ko.
![]() |
Ito ang aking pamilya. |
Tuwing linggo, pumupunta kami sa bahay sambahan at sama-sama kaming nagpupuri at naglilingkod sa Panginoon. Tuwing sasapit ang bagong taon, umuuwi kami sa San Juan Batangas, kung saan naroroon ang pamilya ang aking ama. Nadaratnan namin doon ang aming mga kamag-anak na minsan sa isang taon lang naming nakakasama at makapiling. Kaya’t hindi namin sinasayang ang bawat sandali sa paglagi namin sa lugar ng aming mga kamag-anak sa Batangas. Inuubos ko ang aking oras sa pakikipaglaro sa aking mga pinsan , marami kaming nilalaro doon na hindi ko pa nalalaro o nararanasan dito sa San Pablo. Tulad ng pagsasaranggola sa gitna ng palayan, makipaghabulan , ang maligo sa irigasyon, at ang makipagsabayang kumain ng iba’t-ibang prutas na doon ko lamang natitikman.
![]() |
Noong ako ay makapagtapos sa Kinder. |
Sa Bagong Bayan Daycare Center ako nagsimulang mag-aral. Doon ako nagsimulang makipagkaibigan sa mga batang noon ko lamang nakita at nakasalamuha. At ng ako ay nakatungtong na sa ika-unang baitang ng elementarya, ako ay sa Central School ipinasok ng aking mga magulang upang doon ko ipagpatuloy ang aking nasimulang pag-aaral. Natatandaan ko pa dati, napakaiyakin ko sa tuwing iniiwan ako ng aking ina habang ako'y nag-aaral upang bumalik sa bahay at imisin ang naiwan kong mga kalat. Mapalingat lamang siya sa aking paningin, nangingilid na agad ang aking luha dahil pakiramdam ko ay iiwan na niya ako at hindi na muling babalik pa.Takot kasi ako sa aming guro namin, namamalo siya! kaya ayoko sa kanya.
![]() |
Noong ako ay makapagtapos ng elementarya. |
Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool ako pumasok. Sa unang taon ng pagpasok ko sa sekondarya, natagpuan ko dito ang mga bagong kaibigan, kaklase at kabarkada. Sila ay sina Melanie, Sushmita at Rissa. Sa pagdaan ng mga araw, lubos akong nagagalak at hindi ko malilimutan ang mga sandaling kasama ko sila. Magandang makisama ang aking mga kaibigan. Mas lalo na noong kami ay naglangoy sa Bunot Lake. Masaya ang mga sandaling iyon at ng magkaroon ng pagkakataon na makapunta sa bahay ni Melanie, walang humpay ang kwentuhan, tawanan at asaran.
Sabi nila ang isa sa mahirap na antas ng sekondarya ay nasa ikatlong taon. Bagama’t naroon ang hirap, doon ko naman naranasan ang makisalamuha at sumali sa iba’t-ibang gawain sa eskwelahan. Nadama ko kung ano ang pakiramdam ng isang masayang mag-aaral.
At sa mga taon ko sa eskwelahan, marami akong natutunan, hindi lamang sa aralin sa eskwela kundi kung paano ako natutong makibagay sa kapwa ko. Maraming kakilala ngunit , syempre iba pa rin kapag may tinatawag kang kaibigan, isang tunay na kaibigan. Siya ay si Leslie. Naging maayos at masaya ang aming pagsasamahan. At naging matalik ko siyang kaibigan. Ngunit may mga pagkakataon na sinubukan din ang tibay ng aming pagkakaibigan , halos di ko inaasahan ngunit sa bandang huli nagkaunawaan din at ibinalik ang dati naming samahan .
![]() |
J.S Prom noong kami ay 3rd year. |
Sa aming paaralan, nagustuhan ko ang shindig. Kung saan madaming sumasaling estudyante, nagkakantahan at sumasayaw, masaya iyon para sa akin. At ang isa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari ay ang J.S Prom. Kakaibang karanasan iyon. Medyo nakakahiya pero masaya. Sa tuwing may magsasayaw sa aking lalaki ay naaalala ko ang pangako ng lalaking nag-patibok ng aking puso na si Julius Pacia. At kapag nagkaroon muli ng J.S. promenade ako ay kanyang isasayaw ngunit hindi na iyon nangyari dahil kami ay naghiwalay na sapagkat may mga bagay na hindi namin napagkasunduan . Ngayon kailangan na siyang limutin dahil may mga bagay na dapat unahin. Ngunit nahirapan akong kalimutan siya.
Pero dumating sa buhay ko si Earl Van Felix Exconde , siya ang palagi kong kasama , kilala na siya nang aking mga magulang , palagi siyang nasa aming bahay at kung minsan ay ginagabi siya ng sa uwi syempre kahit palagay na ang loob naming sa isa’t-isa at tangap siya ng mga magulang ko , nandoon pa din ang limitasyon sa bawat ginagawa namin para hindi mauwi sa hindi inaasahang bagay na posible naming pagsisihan balang araw.
Sa loob ng madaming taon ng aking pag-aaral masasabi kong mapalad ako dahil binigyan ako nang Panginoon nang pagkakataong matuto sa tulong na aking mga guro, dahil sa kanilang pagtitiyaga, marami akong naunawaan sa mga nagdaang panahon.
![]() |
Si Rich,Cath, Ako, Badeth at Miki. |
Masaya ako at nakasama ko ang aking mga kaklase at kaibigan sa kabila ng mga kalokohan, kulitan ay magkakasama pa rin kaming nagsusumikap na matuto.
![]() |
Katribo`17 :) |
At nagkaroon ako ng mga matalik na kaibigan sa mga panahong ako ay nasa ika-apat na antas ng sekondarya. Pinangalanan namin ang grupo namin ng "tribo" masasabi ko na ang lahat ng mga natutunan ko ay hindi mawawalan ng kabuluhan dahil gagamitin ko ito sa pagtungtong ko sa panibagong yugto ng aking pag-aaral.
![]() |
Ito ako ngayon. |
At ngayon dahil sa pag-hihirap ng aking mga magulang ako ay makakapagtapos na ng pag-aaral sa sekondarya. Gagawin ko ang lahat matupad lang ang aking mga pangarap. Hindi ko sasayangin ang mga ginawang paghihirap ng aking mga magulang. Gusto kong iahon sa hirap ang aming pamilya at magkaroon ng sariling bahay. Sisikapin kong makahanap ng magandang trabaho upang maging maganda at maunlad ang aking pamilya.
No comments:
Post a Comment